Linggo, Agosto 30, 2015

" MENSAHE NG MGA KABATAAN"



                     
                 Ano ang paningin niyo sa mga kabataan ngayon ? Marami ang magsasabi ng mga negatibong sagot . "Matigas ang ulo,lakwatsera,suwail,magastos,nagrerebelde , minsan wala raw galang sa nakakatanda at maraming pang iba .

Nagkakamali din naman kami . hindi mo ito mabibilang at madalas ang mga pagkakamaling ito ay nagdudulot ng walang kapantay na sakit at sama ng loob sa aming mga magulang . Inaamin ko ,kami'y mga batang umaarteng alam na ang lahat , ayaw naming pinapagalitan. Sino ba naman ang nais pinapagalitan ? Ngunit sana din naman po ay alamin muna ang puno't dulo ng kinagagalit niyo sa amin.
           
                   Wala raw kaming Galang sa nakakatanda . hindi naman po lahat . Kami naman po ng aking mga kapatid ay gumagalang sa aming mga magulang at mga lolo at lola .. Nagmamano nga kami kahit hindi namin ito kamag anak . ngunit nakakalungkot man malaman ngunit maliit na ang mga kabataang nagmamano at gumagamit ng po at opo sa nakakatanda ..

                  Nagrerebelde kami minsan hindi naman yo'ng tipong naghithit ng rugbee , pagsinghot ng marijuana . hindi sa ganoong paraan kundi sa pagpapalipas ng oras sa bahay ng aming mga kaibigan , namamasyal sa Mall at parke . s paraang ito ay nababawasan ang aming problema at stress na dinadala namin araw araw sa paaralan .

 Hindi lang talaga minsan kundi parati ay sinasakop na ng mga Assignatura ang aming WEEKENDS . naranasan na naming magpuyat ng dalawang gabi o higit pa roon upang matapos ang aming proyekto at assignments na sobrang magastos na parang mababaliw na kami sa kaiisip ng paraan upang mairesolba ang aming mga problema . At ang higit na nakakabaliw ay "First Grading" pa lamang paano na kaya ang mga susunod na pangyayari .. Kaya hindi mo kami masisisi lung masyado kming magastos at palaging wala sa bahay dahil sa tambak tambak na proyekto. At kung hindi kami makikipagcooperate sa kanila malamang BAGSAK ang aming mapapala .. Panibagong sakit na naman ng ulo sa aming magulang.
  Minsan rin nagrerebelde ang ibang kabataan sapagkat walang tamang paggagabay ng magulang sa anak . Ngunit nasa kamay pa rin ng anak kung alin tahak ang kanyang tatahakin .. Kung sa magandang daan o sa baku bakung daa .. Mahalaga ang paggabay sa kabataan sapagkat gya nga ng sabi ng mga matatanda hindi lahat ay alam ng kabataan .

        Ang mga matatanda din ay minsa'y nakaranas naging bata .. Sinusuway rin nila ang kanilang mga  magulang at nadadala rin ng kanilang mga barkada . Ang iba nawawalan na ng pag asa sa sinabi ni Dr. Jose na ang "Kabataan ang pag asa ng bayan " hindi dapat sila mawalan ng pag asa bagkus bigyan kami ng pag asa .alam ng lahat na masarap ang maging bata sapagkat  may kalayaan , binibigyan ng pera araw-araw. magsaya ng parang wala ng bukas . ang mag isip ng mga bagay na gagawin bukas. kung nagtataka kayo kung bakit parang wala kaming plano para sa aming kinabukasan ngunit magtiwala kayo paglipas ng panahon ay napagtatanto rin namin yan .  alam din namin na ang kasayahan na nararanasan namin ngayon darating din ang panahon na magseserosyo kami para sa aming kinabukasan . kami man ay walang paki alam ngayon pero tandaan niyo may pangarap kami sa buhay at kung kailangan namin dumaan sa butas ng karayom upang makamit namin ang aming hangarin ay gagawin namin iyan upang pagdating ng panahon na kami naman ang tatanda ay hindi kami pabigat .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento